O kabinataang bagong sumisibol,
itong abang lagda sa iyo'y patunkol.
Pakatandaan mo itong m~ga hatol
na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.
Ang pagpipitaga't pakikipagkapua
ay siyang sagisag n~g pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.
Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,
di sukat ang dunong at lahat n~g inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.
Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin,
ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.
Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit
may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit,
gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig
ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.
Ikaw ay lumaki at lumaki naman
ang iyong tungkuling akin n~g tinuran:
n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan
n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.
Pipintuhuin mo't panuyuang kusa
ang iyong magulang na mapag-aruga,
sila'y pan~galawa ni Poong Bathala
na dapat igalang sa balat, n~g lupa.
¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan?
Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang.
Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang,
puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.
Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing,
kapag nain~git ka sila'y gumigising;
kinandong-kandong ka at inaliw-aliw
at pinalayawan n~g saganang lambing.
Sa gayong kalaking utang na tinangap
mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad?
Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap,
kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.
Salamat na lamang at di maninin~gil,
ang puhunan nila'y di ibig bawiin;
sakali ma't sila ay alalahanin
n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.
Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan
ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay,
kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!"
sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!"
Kung matutulug na saka uulitin
ang halik at bating paalam n~g lambing;
n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin,
ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.
Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan,
sa ano mang bagay kaya'y parusahan,
ay ipag-sayá mo't darating ang araw
na matutunayang iyo'y pagmamahal.
Ang m~ga inali, at ang mga mama,
at ang ina-ama,t ini-ina kaya,
at ang m~ga nuno, at ang matatanda
ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.
At ang m~ga iyong lahat na kapatid
ay pakamahalin n~g boong pag-ibig;
sa m~ga alila ay huag magmasun~git
pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.
Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan,
n~g upanding ikaw naman ay igalang;
sakaling sa iyo sino ma'y magkulang,
kahabagan siya't pagdaka'y
Бесплатно
Установите приложение, чтобы читать эту книгу бесплатно
На этой странице вы можете прочитать онлайн книгу «Dakilang Asal», автора Aurelio Tolentino. Данная книга относится к жанрам: «Зарубежная классика», «Зарубежная поэзия».. Книга «Dakilang Asal» была издана в 2018 году. Приятного чтения!
О проекте
О подписке